MUKHANG mauuwi sa totohanan ang pagsasama nina Dingdong Dantes at Karylle sa isang episode ng Love 2 Love ng Kapuso Network. Marami ang nakakapansin na tila ibang-iba na ang mga ikinikilos ng dalawa.
Sa set ng Love 2 Love, extra special daw ang ginagawang pag-aasikaso ng binata sa dalaga ni Zsa Zsa Padilla. Ayaw magbigay ng comment ni Dingdong tungkol dito. Ngiti lang ang sagot ng aktor sa pangungulit namin.
“We’re just friends,” sambit ni Dingdong nang makausap namin sa set ng Love 2 Love sa Caliraya, Quezon. “Wala talaga. It’s purely work for the two of us. Honest, hanggang du’n lang kami. Close lang kami because we’re partners,” dagdag niya.
Nakikita ni Dingdong ang dedication ni Karylle sa kanyang trabaho bilang aktres. Kahit singer ang panganay na anak ng sultry singer, may nakikitang potensyal ang aktor kay Karylle.
“She’s dedicated to her work. Sa Twin Hearts kung saan una kaming nagkasama, I thought she was hesitant. But after that, nakita ko ‘yung pagiging seryoso niya sa trabaho niya,” pagtata-pat ni Dingdong.
Kinumusta rin namin sa binata si Antoinette Taus who’s in the States right now. May komunikasyon pa ba silang dalawa ng napapabalitang true love niya?
“We do,” walang kaabug-abog na kuwento niya. “Actually, madalas pa rin kaming nag-uusap thru cell phone. She’s enjoying her stay in the States. Hindi ko lang alam kung may balak pa siyang bumalik dito. I heard, she will be recording an album soon.”
Malayo man si Antoinette sa piling ni Dingdong pero may Karylle namang nagpapaligaya sa kanya ngayon. Will it end up in a serious relationship? Kaabang-abang, di ba?
Source:
Taliba
Lito MaƱago
August 2, 2004
entertainment news from Journal Group