TOTOONG bubuhayin ng GMA 7 ang iba pa nilang subsidiaries pagkatapos nilang makatamtan ang pagiging no.1 sa ere ng Extra Challenge.
Nabuhay na nila ang GMA Records. Tinanggap ng tao si Jennylyn Mercado bilang recording star. May album na rin si Janno Gibbs sa kanila.
Sa Enero ay bubuksan muli ang GMA Films. First project nito’y itatampok ang love team nina Richard Gutierrez at Angel Locsin. Higing naming ay maaaring ito na ang pagsasapelikula ng no.1 soap ngayon sa bansa, ang Mulawin.
Bukod pa rito’y bubuksan na rin ng GMA Network ang isa pa nilang local TV channel sa 2005. [source]
ok na ok. approve!
ayos yan.
galing ni jessica soho. ang ganda ng first episode ng KAPUSO MO, JESSICA SOHO. in fairness, maganda yung ginawa nilang experiment sa 2 babae na isang maganda at ang isang hindi kagandahan. dito nakikita ang katotohanan na ang tao talaga ay tumitingin sa panlabas na kaayuan at hindi sa kalooban.palagi ko ito aabangan every sunday. and i also like the show NAKS nakakabilib yung mga magic tricks nila. bearwin galing ABS pero hindi nila nakita na may talent pala siya sa pagmamagic.
tamang pantapat sa rated K ni korina hehehe!
Congrats! Ms.Jessica Soho npaiyak mo ako s first episode mo kgbi…Grabee! lalo n ugn s btng ntpunan ng gaas ung sarili nia.as in na touched akom lalo n ung pinuntahan nio p sya s liblib n lugar nila.sn mas marmi k png matulungan..God Bless! GMA ANG SAYA-SAYA!
ayos yan…matagal na rin nanahiimik ang gma films…the last na ginawa nila eh death row yata…mark and jen, angel and richard had signed a contract for gma films…tiyak na maganda na nman yan…un mga ginawa ng gma films dati eh mga award winning sana maganda rin un mga movies na gagawin nila…tiyak na maghihit yan kc un 2 loveteams ay click ngaun…wala na talagang tatalo sa gma…on jan. magkakaroon na ng international channel ang gma…laglag na talaga ang mga kapamilyak:))lets pray na tumagal ang pagiging no.1 ng gma…
naku! kapag natuloy lahat yan… delikado ang kabila.