Osang Defies GMA 7

Osang sinuway ang GMA-7
HOT SHOTS
Gerry Ocampo
People’s Tonight

AKALA raw siguro ni Rosanna Roces kapag nag-sorry siya kay Manay Lolit Solis (former manager niya), okay na ang lahat. Pero, nagkamali ang dating sexy actress, dahil isinusuka na siya nito.

Hindi raw kasi binigyang-halaga ni Osang ang kanilang pagkakaibigan. Tinawag pa nitong sinungaling ang dating alaga. Kung sadyang matapang at mapagmahal na ina raw si Osang, bakit ngayon ay ipinamamalita nito ang pagbubuntis ng anak na si Grace?

Kung gusto raw ni Osang ng gimik, huwag sana niyang gamitin ang kanyang anak. Siya na lang daw mismo ang gumimik at huwag gumamit ng iba pang tao.

Sabi pa ni Manay Lolit, mapapatawad niya si Osang, pero ayaw na niya itong maging kaibigan muli.

Well, abangan na lang natin ang muling pagkikita ng paghaharap nina Manay Lolit at Osang.

Samantala, as we were going to press, napanood namin si Osang live sa The Buzz kahapon.

As expected, halinhinan siyang in-interview nina Boy Abunda, Kris Aquino at Cristy Fermin tungkol sa hiwalayan nila ng “asawang” si Tito Molina at pagbubuntis ng anak na si Grace.

Natural, nagulat kami sa aming napanood dahil nagbigay na ng babala ang GMA-7 na hindi puwedeng lumabas si Osang sa The Buzz, dahil bawal ‘yon sa kanyang existing contract sa istasyon.

Sinubukan naming kunin ang reaction ng mga taga-Siyete sa live at exclusive guesting na ‘yon ni Osang sa Buzz, pero obviously, pati sila ay nagulat sa ginawa ng erstwhile bold star.

Marahil, hinahanda pa ng opisyales ng nasabing network ang official statement nila ukol sa bagay na ito. [source]

Related Posts

  • GMA Pinoy TV
  • GMA Cooperative Store
  • GMA Kapuso Foundation
  • GMA Pinoy TV in Japan
  • GMA 7 Contact info
  • GMA-7 is Terrestrial Channel of the Year
  • GMA Films to be revived
  • Leave a Reply