Victor Neri, kontrabida ni Jericho

Balik-telebisyon si Victor Neri. Sunud-sunod ang TV projects niya sa ABS-CBN. Siya ang main villain ni Jericho Rosales sa Panday. Kasalukuyang nagti-taping ang cast sa iba’t ibang lugar sa Ilocos.

Kahit ang personal life ni Victor ay tahimik. Halos walang nababalita kung sino ang girlfriend ngayon ng aktor. Ang balita ko pa nga, nag-aaral si Victor ng isang special course sa University of the Philippines Los Baños.

Speaking of Victor, bida siya sa episode ng Maalaala Mo Kaya na mapapanood ngayong gabi. Si Dado Lumibao ang sumulat ng script at dinirek ni Lino Cayetano.

Kwento ni Danny, isang probinsyano na ang ambisyon ay maging isang basketball player. Para kay Danny, ang maging isang sikat na basketball player ang magbibigay sa kanyang pamilya ng magandang buhay.Ngayon, isa na si Danny sa pinakamahusay na basketball player sa PBA. At nasunod na ang pangarap niya.

source: Pilipino STAR Ngayon article by Eric John Salut posted on 03/10/2005

see also: [Splash Blogs] Ang Panday

Related Entries

Leave a Reply