Eternity

Eternity (2006)
Director: Mark Reyes
Actors: Iza Calzado, DingDong Dantes, Jennylyn Mercado, Mark Herras
Theme Song: In a Lifetime (Gary Valenciano)

August 2006 showing

[source: Philippine Journal article]

IPINANOOD sa amin ni direk Mark Reyes ang teaser ng Eternity at walang exaggeration, parang Age of Innocence, Dangerous Liaison at Sense and Sensibilities ang dating nito sa amin nina Pilar Mateo at Ambet Nabus.

Tama si direk na bagay na theme song ang In a Lifetime ni Gary Valenciano dahil mas gumanda ang pelikula.

Type na naman namin ang blurb nitong: “Two souls…two lifetimes…a second chance…to fall in love.”

Sabi ni direk Mark, mala-Romeo and Juliet ang conflict ng love story nina Iza Calzado at Dingdong Dantes. May Spanish lesson sila at may Spanish instructor sa set.

Tapos na rin ang special workshop na ginawa ng dalawa under director Peque Gallaga.

Marami raw kissing scenes ang dalawa at ganoon din sina Jennylyn Mercado at Mark Herras, na magpapatuloy sa kuwento nina Iza at Dingdong sa present time.

Sa July 17 na ang last shooting day ng Regal movie at sa August 30 naman ang regular showing.

Thankful si direk na walang pasaway sa cast at dumarating sa set na handa at memoryado ang script. Bumiyahe ang apat sa Vigan this Monday para mag-pictorial at mag-shoot ng ilang eksena.

Babalik din sina Jennylyn at Mark dahil may taping bukas ng I Luv NY sa Tagaytay.

Related Entries

Leave a Reply