Barang: Juliana Palermo, et al
Sumama yata ang loob ni Mike Tan sa pelikula niyang Barang.
Nag-premiere ang initial venture ng Northern Star Production written and directed by Neal Buboy Tan last Monday sa SM North. Late kaming dumating kaya hindi namin nakita kung sinu-sino ang mga nagsidatingang artista although we spotted Mike pati na rin sina Christine Reyes, Ms. Jaclyn Jose and Terence Baylon.
Hindi namin na-sight si Juliana Palermo but then not sure kami kung wala nga siya dahil sa dami ng tao but tita Liza Lorena, a textmate of ours said she was in a taping that night so no show siya.
Now, in fairness to Mike, siya ang may pinakamalakas na hiyawang natanggap sa crowd. Ngunit paglabas niya ng sinehan, kahit buong giliw siyang nagpa-picture taking sa mga utaw at all smile siya sa lahat ng sumisigaw ng pangalan niya, pagkakita sa amin, pabulong niyang sinabi ang tampo niya sa pelikula.
Bakit daw gumamit pa ng ibang boses samantalang nag-dub naman siya for the movie? Ang nakapagtataka pa, halos ka-boses niya ang ginamit hindi nga namin napansin na hindi pala sa kaniya ito, eh.
Oo nga naman, why use another voice kung magkasing boses lang naman?
Bago pa man kami su-milip sa loob ng SM Cinema 7 ay dinig na dinig na namin ang tilian ng mga taong nanonood ng premiere ng pelikulang Barang. Sa lakas ng tili nila, isa lang ang ibig sabihin no’n. Nakakatakot ang pelikula at klik ito sa mga manonood.
Present sa premiere showing ang major cast ng movie like Juliana Palermo, Cristine Reyes, Mike Tan, Terrence Baylon at Jaclyn Jose. Si Neal ‘Buboy’ Tan ang nagdirek ng pelikula na prinodyus naman ng Northern Star Productions.
Walang kasamang escort sa premiere showing si Cristine. Mukhang mas gusto muna niyang mapag-isa ngayon kahit hindi naman namamatay ang tsisis tungkol sa bagong love niya na isang basketball player.
Wala rin kaming balita tungkol sa lovelife ni Juliana.
Anyway, sa Ilocos pa kinunan ang kabuuan ng Barang. Si Gov. Chavit Singson daw ang producer nito. In fact, kasama rin sa movie ang cute na anak niyang lalaki na si Christian Luis.
Hindi rin nagkaroon ng presscon ang pelikula. Ewan namin kung nagtipid ba ang produ or what. Mabuti na nga lang at nag-effort si Tolites na mag-invite ng press for the premiere para naman ma-hype ang pelikula.
Palabas na ang Barang simula ngayong Miyerkules.

Leave your response!